From being a
Kapuso, Jonalyn Viray is now a Kapamilya. She made her first outing as a
Kapamilya earlier in the grand press conference of We Will Survive wherein she sang the theme song 'I Will Survive.' She now also holds the screen name Jona.
Photo by: Roxy Liquigan's Instagram account
Isa nang Kapamilya ang dating Kapuso singer na si Jonalyn Viray.
Kanina, February 24, sa grand press conference ng bagong ABS-CBN teleseryeng We Will Survive, na pinagbibidahan nina Pokwang at Melai Cantiveros, ginulat ni Jonalyn ang media nang bigla siyang lumabas para kantahin ang theme song ng teleserye na “I Will Survive.”
Pagkatapos ng kanyang performance ay ipinakilala siya ng presscon host na bagong Kapamilyang si “Jona.”

JONA. Bilang Kapamilya singer, makikilala na rin siya sa pangalang Jona.
Ano ang nag-udyok sa kanya para palitan ang screen name niya?
Sagot niya, “Actually, nickname ko po kasi siya, so yun po ang ibinigay sa akin na pangalan ngayon.
“Since it’s a fresh start, bagong home din po, bagong environment, so Jona.”
Ayon pa sa kanya, may posibilidad ding makasama siya sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP.
“May possibility po kung mabibigyan po ako ng pagkakataon.”
Regular na ring nagpe-perform sa ASAP ang mga dating kasamahan ni Jonalyn sa Sunday All Stars na sina Jay-R, Kyla, at Mark Bautista.
Unang sumabak si Jonalyn sa pag-awit nang manalo siya sa singing talent search ng GMA Network na Pinoy Pop Superstar noong 2004.
Pagkatapos nito ay nakasama siya sa musical-variety shows na SOP, Party Pilipinas, at Sunday All-Stars.
Siya rin ang kumanta ng ilan sa kilalang theme songs ng mga teleserye ng Kapuso network; tulad ng Darna, Mulawin, Bakekang, Kung Mahawi Man Ang Ulap, Maging Akin Ka Lamang, Kailan Ba Tama Ang Mali, at My Husband’s Lover.
Naging miyembro rin siya ng grupong La Diva, kung saan nakasama niya ang kapwa Kapuso singers na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia.
Nakilala sila sa pag-awit ng theme song ng Gaano Kadalas Ang Minsan, Basahang Ginto, Rosalinda, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, Legacy, Adarna, at One True Love.

Source: pep.ph
Post a Comment