Roxas vs Poe
Ang pagiging pangulo ay hindi OJT. Kinabukasan, buhay, kaunlaran ng 100 milyong Pilipino ang nakasalalay dito kaya may tamang panahon para sa lahat at para sa akin ‘yung karanasan ay isa pinakamahalagang katangian para sa pagiging pangulo.Papano mo malalaman na binobola ka hindi, papano mo pipiliin kung anong rekomendasyon ng dalawang magkakaibang rekomendasyon ng mga cabinet secretary ang iyong dedesisyunan, ito ang malalaking desisyon na kakailanging gawin ng susunod na Pangulo at mahalaga ‘yung tamang karanasan, malinis na karanasan para diyan.
Sagot dito ni Poe, “Alam ko naman kung binobola ako o hindi. Kahit maikli ang aking panunungkulan sa gobyerno. Unang-una, tama si Secretary Mar, nakatatlong administrasyon na siya diyan, nabigyan na ng ilang mga responsibilidad sa gobyerno.
Pasensiya na rin po pero marami rin akong inimbestigahan katulad ng DILG at doon sa DOTC sa MRT, at sa tingin ko naman hindi mo kailangan ng napakahabang karanasan para malaman na kulang ang tulong gobyerno sa transportasyon sa ating bayan at kulang ang tulong ng gobyerno para magkaroon tayo ng katatagan.” (Boyet Jadulco/Bernard Taguinod)
Binay vs Roxas
Kung ako ho ang pinatutungkulan ni Sec. Roxas dun ho sa paghe-helicopter, eh ‘yung helicopter eh marami hong nakita,” sabi ni Binay.Siya, eh asan ho siya (Roxas)? Pagkatapos nu’ng lumipad at mag-hi sa Leyte, nawala na siya. Kaya naman ho grabe ang galit sa kanya ng mga taga-Leyte dahil sa kapalpakan niya, sa paghawak sa problema ng Yolanda,” dagdag pa nito.
Alam ho ninyo hindi mangyayari kung ako ang nalagay sa puwesto ni Sec. Roxas. ‘Yun bang analysis-paralysis.
Ako po a decisive at effective leader. Eh ‘yung PPP, isa pa lang o dadalawa pa lang. Eh kung kailangan ho natin pilitin para magkaroon ho tayo ng pagbabago sa ating mga infrastructure needs.
Sa isang punto, binasag naman ni Roxas ang ipinagmamalaking mayamang Makati ni Binay sa pagsasabing dalawa ang mukha ng Makati, isang Ayala Makati kung saan nakikita ang asenso at magandang buhay at ang Comembo at Pembo, Makati na lugmok pa rin sa kahirapan at may problema ng illegal drugs. (Dindo Matining/Boyet Jadulco)
Poe vs Duterte
Alam ko si Mayor Duterte ay magalang sa kanyang nanay. Kaya kahit papano, sa tingin ko, kung ikaw ay malakas ang dating sa mga babae, konting pigil. Malay mo ‘yung mga lumalapit sa’yo may asawa o kaya may boyfriend o kung anupaman.Sa mata ng bata, ang mali ay nagiging tama kung ginagawa ng matanda. At least alam natin si Mayor Duterte, minsan sinasabi naman niya ‘yung mga hindi niya nararapat na nagawa noon.
Pero-pareho lang naman kami, tao rin nagkakamali pero isusulong ko palagi ang pagrespeto anuman ang iyong kasarian, babae ka man, lalaki, LGBT, lahat po tayo merong konting paggalang sa isa’t isa.
Sagot dito ni Duterte, “Lahat naman ‘to sa kuwarto ‘yan hindi mo naman ginagawa sa… you do not flaunt it in the public. If you have to do it as I’ve said I am separated from my wife ‘yung isang asawa ko ‘yung nurse… actually, it’s biology. (Bernard Taguinod/Aries Cano)
Santiago vs Poe
Well, promises are easy to make but which President of our country just like us presidentiables for 2016 has ever abolished or at least reduced the incident of poverty in our country, one, I say this with conviction as former agrarian reform secretary, pangako lang ng pangako san natin kukunin ang lahat ng pera na ito na gagastusin sa lahat ng sinasabing plano nila, that is the question? (Tina Mendoza)Duterte vs Roxas
Sa paglalatag ni Roxas ng kanyang programa para sa mga mangingisda na, “Doon lang sa Dagupan sa ating bottom up budgeting, may napakagandang project na gagawin natin ito sakaling maging pangulo ako sa buong pilipinas na bigyan natin ng fish finder. Ito ‘yung mga radar para sa ating mga mangingisda.”Yeah, I cannot rebutt what he has said because it’s all true gusto ko ngang kopyahin kung payag siya…idagdag ko lang ‘yung akin well this is true in every program of government ang problema lang po kasi dito marami tayong problema… fisheries farmers and all… ang nagkakaproblema ho dito is the implementation along the way. Because if you have incompetent and corrupt officials will be the same.
Biyayang dagat that was the greatest program of every government. But along the way, sumabog because there was corruption.
Wala akong debate sa mga sinabi nila ang problema incompetence ang mga tao and corruption e hindi ‘yan nakokorek eh.
Source: abante.com.ph
Post a Comment