Sa
isyu ng mga kinukuwestyong yaman, ito ang sagot ni Binay, “Nalagay ako
sa pwesto, ako ay nanungkulan 1986 at bago ako nanungkulan,
nakapag-practice naman ako ng law at ang misis ko ay nakapag-practice ng
pagkadoktora,” ani Binay. Uulitin ko po, ang aking propedad ay namana
ko bago ako napunta sa panunungkulan.”
Si Defensor-Santiago, ipinagtanggol ang
kanyang karapatang tumakbo sa pagka-pangulo sa kabila ng
kinukuwestyong kalusugan. Maaaring nagkasakit umano siya noon ng
kanser ngunit pinanindigang kuwalipikado siyang kumandidato sa posisyon.
Si Duterte ay dumipensa sa kanyang
pagmumura, trato sa mga babae at maging ang ibinibida niyang pagpatay sa
mga kriminal. Binigyan-diin nito na kapag naging pangulo ay sisiguruhin
niyang naaayon sa batas ang gagawin niyang paglipol sa mga kriminal,
lalo ang mga drug syndicate, na muli ay sinabi nitong gagawin niya sa
loob ng 3-6 buwan.
Si Poe, tumanggap ng puna sa pagiging
pinaka-bagito sa hanay ng mga kandidato na sinagot nitong, “Kaya po sa
ating mga kababayan, pare-pareho lang naman ang problema ng Pilipinas e,
pare-pareho nandyan. Wala pong proof na kapag matagal ka na sa pwesto
mas magaling ka.”
Si Roxas, nagpaliwanag sa mga paratang
ukol sa kapalpakan sa kanyang panunungkulan bilang DILG secretary noong
nanalanta ang bagyong ‘Yolanda’ at sa mga aberya sa MRT-3 na nasa ilalim
ng DOTC na sandali rin niyang pinamunuan.
Muling pinagdiinan ni Roxas na nasa
Yolanda-hit areas siya bago habang at pagkatapos ng bagyo at hindi niya
iniwan ang mga sinalanta hanggang sa makarekober.
Ibinida rin nito na siya ang pumigil sa
mga kontrata sa MRT-3 na lalong magpapalala sa kondisyon nito sabay
sabing sa bagong mga kontrata ay nagdadatingan na ang mga bagong
bagon.
Source: abante.com.ph
Post a Comment