Roxas vs Poe
Ang pagiging pangulo ay hindi OJT. Kinabukasan, buhay, kaunlaran ng
100 milyong Pilipino ang nakasalalay dito kaya may tamang panahon para
sa lahat at para sa akin ‘yung karanasan ay isa pinakamahalagang
katangian para sa pagiging pangulo.
Papano mo malalaman na binobola ka hindi, papano mo pipiliin kung
anong rekomendasyon ng dalawang magkakaibang rekomendasyon ng mga
cabinet secretary ang iyong dedesisyunan, ito ang malalaking desisyon na
kakailanging gawin ng susunod na Pangulo at mahalaga ‘yung tamang
karanasan, malinis na karanasan para diyan.
Sagot dito ni Poe, “Alam ko naman kung binobola ako o hindi. Kahit
maikli ang aking panunungkulan sa gobyerno. Unang-una, tama si Secretary
Mar, nakatatlong administrasyon na siya diyan, nabigyan na ng ilang
mga responsibilidad sa gobyerno.
Pasensiya na rin po pero marami rin akong inimbestigahan katulad ng
DILG at doon sa DOTC sa MRT, at sa tingin ko naman hindi mo kailangan ng
napakahabang karanasan para malaman na kulang ang tulong gobyerno sa
transportasyon sa ating bayan at kulang ang tulong ng gobyerno para
magkaroon tayo ng katatagan.” (Boyet Jadulco/Bernard Taguinod)
Binay vs Roxas
Kung ako ho ang pinatutungkulan ni Sec. Roxas dun ho sa
paghe-helicopter, eh ‘yung helicopter eh marami hong nakita,” sabi ni
Binay.
Siya, eh asan ho siya (Roxas)? Pagkatapos nu’ng lumipad at mag-hi sa
Leyte, nawala na siya. Kaya naman ho grabe ang galit sa kanya ng mga
taga-Leyte dahil sa kapalpakan niya, sa paghawak sa problema ng
Yolanda,” dagdag pa nito.
Alam ho ninyo hindi mangyayari kung ako ang nalagay sa puwesto ni Sec. Roxas. ‘Yun bang analysis-paralysis.
Ako po a decisive at effective leader. Eh ‘yung PPP, isa pa lang o
dadalawa pa lang. Eh kung kailangan ho natin pilitin para magkaroon ho
tayo ng pagbabago sa ating mga infrastructure needs.
Sa isang punto, binasag naman ni Roxas ang ipinagmamalaking mayamang
Makati ni Binay sa pagsasabing dalawa ang mukha ng Makati, isang Ayala
Makati kung saan nakikita ang asenso at magandang buhay at ang Comembo
at Pembo, Makati na lugmok pa rin sa kahirapan at may problema ng
illegal drugs. (Dindo Matining/Boyet Jadulco)
Poe vs Duterte
Alam ko si Mayor Duterte ay magalang sa kanyang nanay. Kaya kahit
papano, sa tingin ko, kung ikaw ay malakas ang dating sa mga babae,
konting pigil. Malay mo ‘yung mga lumalapit sa’yo may asawa o kaya may
boyfriend o kung anupaman.
Sa mata ng bata, ang mali ay nagiging tama kung ginagawa ng matanda.
At least alam natin si Mayor Duterte, minsan sinasabi naman niya ‘yung
mga hindi niya nararapat na nagawa noon.
Pero-pareho lang naman kami, tao rin nagkakamali pero isusulong ko
palagi ang pagrespeto anuman ang iyong kasarian, babae ka man, lalaki,
LGBT, lahat po tayo merong konting paggalang sa isa’t isa.
Sagot dito ni Duterte, “Lahat naman ‘to sa kuwarto ‘yan hindi mo
naman ginagawa sa… you do not flaunt it in the public. If you have to do
it as I’ve said I am separated from my wife ‘yung isang asawa ko ‘yung
nurse… actually, it’s biology. (Bernard Taguinod/Aries Cano)
Santiago vs Poe
Well, promises are easy to make but which President of our country
just like us presidentiables for 2016 has ever abolished or at least
reduced the incident of poverty in our country, one, I say this with
conviction as former agrarian reform secretary, pangako lang ng pangako
san natin kukunin ang lahat ng pera na ito na gagastusin sa lahat ng
sinasabing plano nila, that is the question? (Tina Mendoza)
Duterte vs Roxas
Sa paglalatag ni Roxas ng kanyang programa para sa mga mangingisda
na, “Doon lang sa Dagupan sa ating bottom up budgeting, may
napakagandang project na gagawin natin ito sakaling maging pangulo ako
sa buong pilipinas na bigyan natin ng fish finder. Ito ‘yung mga radar
para sa ating mga mangingisda.”
Yeah, I cannot rebutt what he has said because it’s all true gusto ko
ngang kopyahin kung payag siya…idagdag ko lang ‘yung akin well this is
true in every program of government ang problema lang po kasi dito
marami tayong problema… fisheries farmers and all… ang nagkakaproblema
ho dito is the implementation along the way. Because if you have
incompetent and corrupt officials will be the same.
Biyayang dagat that was the greatest program of every government. But along the way, sumabog because there was corruption.
Wala akong debate sa mga sinabi nila ang problema incompetence ang mga tao and corruption e hindi ‘yan nakokorek eh.